Pumanaw na sa edad na 86-anyos nitong Huwebes ang veteran actress na si Angie Ferro.

Kinumpirma ng apo ni Angie na si Joshua ang malungkot na balita sa GMA News Online.

Ayon kay Joshua, ibuburol ang mga labi ng award-winning actress sa St. Peter Chapel sa Quezon Avenue simula sa Biyernes.

Gagawin naman ang cremation sa August 22.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Joshua ang clips ng 2019 movie ni Angie na si "Lola Igna," at sinabi ni Joshua na: "Pahinga na po lola."

Sa Pep.ph report, sinabing nakaranas ng stroke ang aktres noong Mayo 2022.

Sa Facebook din, inihayag ng FAMAS ang kanilang pagluluksa sa pagpanaw ni Angie.

Binalikan din nila ang unang acting award ng aktres bilang FAMAS Best Supporting Actress para sa pelikulang "Pagputi ng uwak...Pag-itim ng Tagak" noong 1979.

Noong 2020, nakamit ni Angie ang Best Actress trophy sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pagganap niya sa "Lola Igna."— FRJ, GMA Integrated News