Sa kabila ng kaniyang edad na 18 at maraming nagpapa-cute na boys sa kaniya, inihayag ni Jillian Ward na hindi pa rin siya nagpapaligaw.

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang Dapat Alam Mo!, tinanong si Jillian kung marami bang nanliligaw sa kaniya sa totoong buhay.

“I’m not gonna lie. Lie,” tugon ni Jillian.

Gayunman, “lie” ang lumabas sa lie detector test, na tumututol sa kaniyang sagot.

"Well, hindi po kasi ako nagpapaligaw pa talaga," paliwanag ni Jillian. "May mga nagpapa-cute po pero kasi ako myself, iniiwasan ko po muna."

Dahil dito, tinanong din si Jillian kung sino sa cast members niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap" ang nagpapa-cute sa kaniya.

"Ayoko pong sagutin,” natatawa niyang sagot.

Bukod dito, hindi rin pinapayagan pa si Jillian ng kaniyang ina na magkanobyo.

Gayunman, sariling desisyon daw ni Jillian ang hindi muna pumasok sa isang relasyon.

"Mas strikto po ako sa sarili ko kaysa strikto sa akin 'yung mga nasa paligid ko. Kasi sabi po nila enjoy-in ko 'yung pagkabata ko. So I myself, gusto kong mag-focus muna sa work,” pahayag ng Kapuso teen queen.

Dati nang inihayag ni Jillian na tipo niya sa isang lalaki ang talented at mabait ang personality.

Patuloy na napapanood si Jillian bilang si bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas sa GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.-- FRJ, GMA Integrated News