Muling nakakuha ng Guinness World Record si Lisa ng Blackpink, matapos umabot ng isang bilyong streams sa Spotify ang kaniyang single na “Money.”

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa State of the Nation, sinabing inaunsyo ng Guinness na nakuha ng “Money” ang world record para sa unang K-Pop track by a solo artist.

Setyembre 2021 nang i-release ang kanta, na bahagi ng solo debut single album ni Lisa na “Lalisa.”

Sa ngayon, tatlo na ang world record ni Lisa bilang isang solo artist, kasama ang first solo K-pop winner sa MTV Music Awards, at most followed K-pop artist sa Instagram. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News