Magkakaroon na ng baby sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Sa Instagram, nag-post ng mga larawan at video si Maja na kasama si Rambo, at ibinida ng TV host-actress ang kaniyang baby bump.

Pang-pasko ang tema ng shoot ng mag-asawa kasama rin ang kanilang mga aso.

"Christmas came early," saad ni Maja sa caption.

“Our growing family,” sabi pa niya.

Sabi naman ni Rambo sa caption ng larawan na kaniyang ipinost: "The best Christmas present we could ever ask for"

 

 

Dinagsa naman ng pagbati ang mag-asawa mula sa kanilang followers at mga kapuwa celebrity.

“Congraaaaaaats Maj and Rambo!!!!,” sabi ni Iya Villania sa comment section.

“Congratulations poooo!!!” pagbati naman ni Kyline Alcantara.

Noong nakaraang taon nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang engagement, at nagpakasal sa Bali nitong nakaraang Agosto.

Batay sa kuwento ni Maja, dati na silang magkasintahan ni Rambo pero nagkahiwalay at muling nagkabalikan.--FRJ, GMA Integrated News