Grateful si Dingdong Dantes sa pagsisimula ng 2024, matapos maging success ang dalawa niyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries na “Firefly” at “Rewind.”

“Saludo rin ako dahil siyempre ‘yung pelikulang Firefly kung saan nandoon din ako ay nanalong Best Picture,” sabi ni Dingdong sa ulat ni Nelson Canlas sa Saksi.

ADVERTISEMENT

“I’d also like to take this opportunity to thank everyone who supported us sa Rewind,” dagdag ni Dingdong.

Muling nakatambal ni Dingdong ang kaniyang asawang si Marian Rivera para sa pelikulang “Rewind.”

Para kay Dingdong, tunay na nagwagi ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Samantala, dapat ding abangan ang Family Feud na may bagong episodes simula Enero 8, tampok sina Barbie Forteza at David Licauco.

May special episodes din ang Amazing Earth, at mapapanood na ito sa mas maagang oras 8:50 p.m. simula Enero 12. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News