Heart Evangelista at Michelle Dee ang peg ng isang dalawang taong gulang na bata na cute sa kaniyang mga transformation sa Porac, Pampanga.

Sa ulat ng Saksi, sinabing peg din ni Indai Eunice ang mga sikat na artista at mga sikat na Kapuso character.

Shiny si Eunice sa kaniyang OOTD tulad ng casual dress at golden utensils outfit.

Suot din niya ang mini version ng national costume ni Michelle sa Miss Universe 2023.

Nagsuot din siya ng costumes na inspired ng mga Kapuso teleserye na Mulawin, Dyesebel at Urduja.

Sinabi ni Mommy Rochelle na hindi lumalampas sa P500 ang gastos sa costumes na siya mismo ang gumagawa. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News