Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, tinanong ng "King of Talk" ang batikang singer na si Kuh Ledesma kung ano ang pinakamalaking kasalanan na kaniyang nagawa sa buhay.

“Nagmadali akong mag-asawa. Hindi ko naintindihan ang marriage, what it is all about,” saad ng mang-aawit. “‘Yan ang kakulangan ng mga gustong magpakasal. Nagmamadali and they don’t understand the commitment. Tuloy, nagkakaroon ng gulo.”

Ayon kay Kuh, sumasagi rin sa isip niya na magmahal muli pero siya na rin ang pumipigil sa sarili.

“Sometimes I think about it, and then I pause and say, ‘Ay Lord kuntento na ako ngayon.’ Kung meron, meron. Kung wala, wala. I am happy eh,” ayon pa sa OPM's Pop Chanteuse.

ADVERTISEMENT

Kung may dumating man na panibagong lalaki sa kaniyang buhay, dapat daw na may takot ito sa Diyos.

At kahit malapit sa Diyos ang lalaki, sinabi ni Kuh na hindi rin siya basta-basta makakapagpakasal.

“At saka mahal na mahal niya ang Diyos? Hindi rin ako puwede. My husband will have to go first before I can remarry, or he has to remarry before I can,” paliwanag niya patungkol sa dati niyang asawa na si Luisito Gonzalez.

“May mga nanliligaw pero talagang hindi puwede,” sabi ni Kuh. "Pero sinasabi ko, ‘No I’m not missing anything. I’m so content, I’m complete. That’s what you call the sufficiency in Christ. He is enough for me. Kung may dalhin, I fall in love. Okay lang.”

May birthday concert si Kuh na “3:16” sa Marso 16, 8 p.m. sa Music Museum.

 

 

-- FRJ, GMA Integrated News