Bagama’t nakakabawi na, inilarawan ni Gabby Eigenmann na labis ang kalungkutan ng kanilang pamilya sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, kinumusta ni Tito Boy sina Gabby at Max Collins tungkol sa kanilang mga buhay.

“Ako, personally naka-recover na rin, because the past few weeks have been very dark in a way. Of course, we have lost Tita Jane,” sabi ni Gabby.

Bagama’t sinasabi niyang “okay” siya,  hindi itinanggi ng aktor ma nakararamdam pa rin siya ng lungkot sa pagkawala ng kaniyang tita.

ADVERTISEMENT

“You will say you’re okay but deep inside nandoon pa rin,” saad pa ng aktor. “It lingers. It’s always there.”

Inilahad ni Gabby ang rason kung bakit kailangan niyang maging “okay.”

“You have to be. You have to be strong also,” sabi pa niya.

Pumanaw si Jaclyn, o Mary Jane Guck sa totoong buhay, noong Marso 2 sa edad 60. Sinabi ng anak niyang si Andi Eigenmann na nasawi siya dahil sa heart attack.

Sa kaniyang pagpanaw, nangako si Gabby na gagabayan niya ang half-sibling na si Andi at tatlong anak nito, at isa pang anak ni Jaclyn na si Gwen.

"'Wag ka na mag-alala Tita Jane ako na ang gagabay sa kanila... Mananatili ka sa puso namin at lagi kong ipapadama sa kanila kung gaano mo sila minahal ng lubos," he wrote. Mahal kita Tita Jane at ako'y nagpapasalamat dahil nadama ko din ang pagmamahal mo sa akin at sa aking pamilya,” caption ni Gabby sa isa niyang post.

"May ngiti na sa aking mukha dahil alam ko na mas masaya ka na sa piling ni God kasama si Daddy at Tita Cherie. Salamat uli sa lahat lahat..Cheers Love You," dagdag pa ni Gabby.

Anak ni Jaclyn si Andi sa aktor na si Mark Gil, samantalang si Gabby ay anak ni Mark kay Irene Celebre. Si Gwen ay anak ni Jaclyn kay Kenneth Ilagan.--FRJ, GMA Integrated News