Nagbabalik sa pagiging writer at direktor si Xian Lim para sa kaniyang upcoming film project.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Xian ang kaniyang upcoming na proyekto na “Kuman Thong.”

ADVERTISEMENT

Ang Kuman Thong ay tumutukoy sa isang item na naglalaman umano ng makapangyarihang espiritu ng bata.

Ang proyekto ay sa ilalim ng Viva Films.

"I've been in complete hiatus working with my team on this upcoming film. I'm excited for you all to watch this," caption ni Xian.

Taong 2019 nang mag-debut si Xian bilang direktor at 2022 nang makapag-direk siya ng isang episode ng “Magpakailanman.”

Bago nito, bumida si Xian sa GMA Prime series na "Love. Die. Repeat." kasama si Jennylyn Mercado. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News