Inihayag ni Faith da Silva ang ilan "disadvantage" sa pagiging maganda. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng gusto ng lalaki at hindi mawari kung ano ang tunay na pakay. Sino naman kaya ang mga aktor na pumorma sa kaniya? Alamin.
"I think 'yung disadvantage rin ng pagiging isang maganda is 'yung pag-objectify sa'yo ng mga lalaki. I think karamihan sa experience ko, hindi ko alam kung talagang gusto ba nila akong i-pursue or gusto lang 'anikin.' Alam mo yun?" sabi ni Faith sa vodcast na "Your Honor."
"At siyempre siguro rin sa imaging namin na sexy kami, ganito, ganyan. So ang thinking nila is, yung respeto kumbaga medyo nawawala kasi nga na-objectify ka," pagpapatuloy niya.
Sinang-ayunan ni Faith ang komento ng host na si Tuesday Vargas na ilang lalaki ang nawawalan ng respeto sa kaniya.
"Pero I think aside from that, isa pa to sa disadvantage sa akin when it comes to male friendships. Karamihan ng mga lalaki na naging kaibigan ko, dumadating sa point na nai-in love. Eh ikaw, gusto mo lang naman ng friendship," lahad niya.
Kung minsan, hindi na raw maunawaan ni Faith kung bakit nai-in love ang mga lalaki niyang kaibigan sa kaniya. Kapag dumating sa ganitong sitwasyon, hindi na niya kinakausap ang ilan sa mga ito.
"Siguro hindi ko na sinasabi. Hindi na para magkaroon tayo ng conversation about it. Kasi nawala na 'yung thinking ko na pure 'yung intention mo sa akin. Kasi akala ko friendship lang pala 'yung gusto mo pero underlying, meron palang parang may iba kang intention, hindi naman friendship lang," ayon kay Faith.
Samantala, na-hot seat din si Faith tungkol sa mga aktor na pumorma sa kaniya.
Gayunman, hindi na binanggit ni Faith sa ere ang mga pangalan nito at ibinulong na lang kina Tuesday at Buboy, na ikinagulat nila.
"Ay maloloka kayo sa binulong!" sabi ni Tuesday. "Ang juicy!"
"Sobrang malaman!" komento naman ni Buboy. "Hoy in fairness ha. Iba talaga ang ganda ng isang Faith da Silva."
--FRJ, GMA Integrated News
