Ikinalungkot ni Sanya Lopez ang paghihiwalay ng kaniyang kapatid na si Jak Roberto at kaibigan niyang si Barbie Forteza. Sa panayam ni Aubrey Carampel kay Sanya sa GMA Integrated News Interviews, sinabi ni Sanya na iginagalang niya ang desisyon ng dalawa at hindi pa niya nakakausap ang dalawa tungkol sa nangyari."Of course masakit din for me na hindi pala sila 'yung nag-end up together. Pero I respect their decision kasi sila 'yun eh. Kumbaga andito lang naman ako to support both of them," sabi ni Sanya.Kahit na dumaan sa hamon ang buhay-pag-ibig ni Jak, inilahad ni Sanya ang kasiyahan sa mga achievement ng kapatid, kabilang na ang pagkakaroon ng sariling bahay na malapit lang sa bahay niya."Nakakaiyak. Nakaka-proud for him na finally you have your own house and lahat ng mga pinaghirapan niya. Ang cute lang," sabi ni Sanya."Dati nakikibahay lang kami, nakikitira lang kami tapos now may sarili niya, I have my own house na rin kasi," dagdag niya.Pitong taong naging magkarelasyon sina Barbie at Jak bago sila nagkahiwalay nitong nakaraang Enero. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News