Inihayag ng celebrities at iba't ibang mga personalidad ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng Superstar at Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor sa edad 71.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ang anak ni Nora na si Matet De Leon ng larawan ng kaniyang kasal kung saan kasama niya ang ina.

"I love you mommy," maikli ngunit malamang caption ni Matet.

 

"Our sincerest condolences and prayers. Rest In Peace, Mare. Ms. Nora Aunor! Our Superstar and National Artist... Maraming Salamat!" caption naman ni Vilma Santos, na nakasama ni Nora sa mga proyekto at minsan ding naging arch-rival nito.

Nagkasama sila sa mga pelikulang “Ikaw Ay Akin” noong 1978, at “T-Bird at Ako” noong 1982.

"I’m very saddened by ate guys passing..we were discussing a project with her just before i left for home with direk Adolfo.my deepest condolences to her loved ones and rest in peace now ate guy ????you are now home with our Lord.??????????what a big loss to our industry..but you will never be forgotten ????" saad naman ni Hilda Koronel.

Nakatrabaho ni Nora si Hilda sa “Nakaw na Pag-ibig” noong 1980 at “Beloved” noong 1985.

 

 

Hindi malilimutan ni Dingdong Dantes na kasama niya at nakatrabaho ang Superstar sa drama series na "Pari 'Koy" noong 2015.

Habang mga break, inakala ni Dingdong na babalik na si Nora sa tent nito. Ngunit umupo ito sa tabi niya at naglaan ng oras na makipag-usap sa kaniya.

"She didn’t make me feel like I had to prove anything. She made sure I was okay. She was generous with her presence—not just in the scene, but in that in-between space where actors wait and breathe," sabi ni Dingdong.

"It’s that kind of grace that stays with you. The kind that reminds you why people like her are legends—not just because of the work, but because of how they carry the weight of it with humility," dagdag pa niya.

 

 

"Ate, i will never ever forget you. Thank you. God bless you. #noraaunor ?????????" mensahe naman ni Eugene Domingo.

 

Isang maalab na tula naman ang inihanda ni Ice Seguerra para sa Superstar, kung saan inilarawan niya itong "pinakamaningning na bituin."

"Ang liwanag na ibinigay mo sa amin / Habang buhay, ikaw ang hihirangin / Mananatiling pinakamaningning na bituin."

 

"Maraming Salamat, Ate Guy. God's perpetual light shine upon you," pakikiramay naman ni Cherry Pie Picache.

"Sa nag-iisang hinangaan namin ng nanay ko mula pagkabata ko. Hindi ko ineexpect na ibibigay ni God ang pagkakataon na makatrabaho at makilala ka. Napakabait sa fans, generous sa lahat, at napakabuting tao," caption ni Rochelle Pangilinan, na nakasama ni Nora sa "Onanay."

 

Sa isang pahayag, ikinalungkot ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpanaw ni Nora.

“I join the nation in mourning the passing of our National Artist for Film, Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life). Throughout her splendid career that spanned more than 50 years, she was our consummate actress, singer, and film producer,” saad ni Marcos.

Kinilala rin ni Marcos si Nora sa ambag nito sa yaman ng bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga pelikula.

“At the young age of 23, she began producing films that will forever be part of the national heritage: Banaue, Bona, and Tatlong Taong Walang Diyos. Her other stellar performances can be found in Himala, Thy Womb, and The Flor Contemplacion Story. She has won national and international awards for her performances. Her golden voice was a balm for all. Her genius was a gift to the Filipino nation,” saad ni Marcos.

“I offer my heartfelt condolences to Nora Aunor’s family, friends, and the film industry itself. Let us pray together for the eternal repose of the soul of our beloved National Artist," sabi pa ng pangulo.

Sinabi ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) magsasagawa ng state necrological services at funeral para kay Nora.

Sinabi ng NCCA na iaanunsyo ang mga detalye ng services at ng funeral ni Nora, na may mahigit 170 pelikula, na “exceeded only by the number of awards and citations” na kaniyang natanggap mula sa mga lokal at international na organisasyon.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News