Aminado si Alfred Vargas na hindi niya inasahan ang "double victory" nila ng kaniyang kapatid na si Patrick Michael "PM" Vargas sa kanilang re-election bid sa Quezon City nitong sa nagdaang Eleksyon 2025.

Ayon sa partial unofficial results mula sa Comelec Media Server (as of May 14, 2025), pumapangatlo sa listahan si Alfred Vargas ng mga napipintong maging konsehal ng 5th District ng Quezon City. Ito na ang kaniyang pangalawang termino bilang konsehal.

Ang kaniyang kapatid na si PM Vargas, wagi naman muli bilang kongresista para din sa 5th Legislative District ng Quezon City.

BASAHIN: Angelu de Leon, Marjorie Barretto, at ilan pang celebs, kumusta ang naging laban sa Eleksyon 2025?

Una sa naging challenges na kinaharap umano ni Alfred ay ang laganap na "fake news" and "disinformation" noong campaign season, ayon sa ulat ni Gabby Reyes Libarios sa GMA Network.com

"To be honest, medyo mahirap talaga ang laban namin na ito. We had to battle massive disinformation and fake news, deal with several threats and ensure our physical safety," mensahe ni Alfred sa GMANetwork.com. "We endured countless dirty tactics during the campaign and had to face the reality that our opponent had 'unlimited' resources. So, no, we didn't expect it. We hoped for the best but prepared for the worst. With God's grace and the people's love and support, we got the best possible result."

Bagamat nagkaroon rin ng hindi kaayang-ayang pangyayari sa loob at labas ng kanilang grupo, pinili na lang daw ni Alfred na pagtuunan ang mga taong nagtiwala sa kaniya. Naniniwala rin ang aktor na ang kaniyang track record ang bumuhat sa kaniyang pangalan.

BASAHIN: Ilang celebs na wagi at 'di pinalad sa Eleksyon 2025, alamin

"That performance is still the best campaign. And that people know if you are real and sincere in what you do," sabi ni Alfred. "This win is very special for me and my brother because we really felt the love of our supporters who fought for us, tooth and nail… blood, sweat and tears! Despite experiencing several, and even unexpected, betrayals and treachery, we saw that a lot more people were really loyal to our cause and were willing to fight for the truth and stand for our principles," pahayag pa ng aktor.

Kahit na confident si Alfred na positive ang magiging resulta ng kanyang kampanya, hindi rin maitatanggi ng award-winning actor na nakaramdam siya ng kaba noong mga unang oras na nagsimula na ang bilangan.

"I was a quite nervous at first but right after I prayed, the results started coming out and the trend was going a little bit our way and after that pinagpasa-Diyos ko na lahat," sabi pa niya.

Pero nang matiyak na niyang makakapasok siya sa magic six sa kaniyang distrito, niyakap raw niya ang kaniyang pamilya.

"I thanked them immensely, especially my wife. My family has sacrificed so much to support me these last 15 years in public service. So much of my time was spent serving others and sometimes, at the expense of my time with my family. But they understood me all the way and knew how much passion I had in trying to effect positive change. I have achieved so much because my wife and children supported me and for that, I am immensely grateful," ayon kay Alfred.

Looking forward na si Alfred  na magtrabaho at maipagpatuloy ang kaniyang mga proyekto para sa kanyang distrito. Kabilang diyan ang kaniyang programang pang-edukasyon.

"Starting this July, we will start rolling out our 'Alagang Vargas Scholarship Program 2.0, level up.' This educational assistance program aims to provide one scholar for every Novaleño family. Isang pamilya, may isang iskolar. This scholarship is for elementary, high school and college levels and there is no grade requirement. Basta pasado ka, pasado ka na rin sa program. The scholarship will continue until the student graduates from college," paliwanag ng aktor.

"So far, we have 20,000++ college graduate scholars already who are now accountants, managers, engineers, teachers, nurses and even elected barangay officials, among others," pahayag pa niya. -- FRJ, GMA Integrated News