Kinaaliwan ng netizens ang tila pag-“walkout” ng isang bata matapos niyang hindi masabayan ang dance steps ng kaniyang mga magulang sa kanilang dance video sa Samal, Bataan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang video ng pagsayaw ng pamilya Ferrer sa kantang "Eenie Meenie."

Ngunit ang mga magulang, nakalimutang isali sa steps ang kanilang anak na siyang mini dancer.

Kaya si baby Elly, tila nagtampo at iniwan ang kaniyang mga magulang.

Ayon sa mag-asawa, silang dalawa lang talaga dapat ang sasayaw, ngunit #FOMO ang kanilang unico hijo.

Hindi nila napansin na gusto pala ni Baby Elly na makipag-appear.

Matapos mag-disappear, bumalik naman si Elly at nabuo ang kanilang dance entry.

Halos 300,000 views na ang naturang video. – Jamil Santos/FRJ GMA News