Darating na ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante.Ayon ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, ipinakita sa trailer ang ilan sa mga kapana-panabik na eksena at cast members na aabangan sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre,” na mapapanood sa GMA Prime simula June 16.Kita sa trailer ang apat na bagong mga tagapangalaga ng brilyante na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Angel Guardian bilang Deia, at Faith da Silva bilang Flamarra.Kasama rin nila ang Pinoy Big Brother housemates na sina Shuvee Etrata at Mika Salamanca.Bukod pa sa trailer, masisilip din ng mga Encantadiks ang behind-the-scenes sa pagbuo ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre,” kung saan makikita ang “vision” habang ginagawa ang serye.“Once you see the Sang’gres in their environment, dream come true siya,” sabi ng direktor na si Enzo Williams. — Jiselle Anne Casucian/VBL, GMA Integrated News