Pumanaw sa edad na 31 ang South Korean actress na si Kang Seo Ha, ayon sa ulat ng Soompi nitong Lunes.

Nakasaad sa ulat ng Soompi na pumanaw si Seo Ha dahil sa sakit na cancer.

Sa Instagram, isang hinihinalang kaanak ni Seo Ha ang nagbahagi ng video compilation na makikita ang mga larawan ng namayapang aktres upang bigyan ng pagpupugaw ang kaniyang alaala.

“I still can't believe it, sis… While enduring that great pain, “You worried about the people around you, worried about me," saad sa post na Korean na isinalin ng Google sa English.

“You worried about the people around you, worried about me. You couldn't eat for months, but you insisted on paying with your own card, and you never let me skip my meals, my angel who left so quickly. Even while holding on with painkillers, you said, 'Thank you' and that it was fortunate that it was this long, but I was really embarrassed," dagdag nito.

Nangako rin ang nag-post na aalagaan ang pamilyang naulila ni Seo Ha, kasabay ng pag-asam niya mahanap ng aktres ang kapayapaan at kaligayahan sa kabilang-buhay.

“I love you so so so much! Thank you for coming to our family and being my sister. I miss you already. I love you,” saad nito.

Ayon sa Soompi, naglagay ng memorial altar para kay Seo Ha sa funeral hall sa Seoul St. Mary’s Hospital. Magkakaroon ng funeral procession sa ganap na 7:40 a.m. sa July 16, at ililibing ang aktres sa Haman, Gyeongnam Province.

Napanood si Seo Ha sa ilang Korean dramas gaya ng “Schoolgirl Detectives,” “Assembly,” “First Love Again,” “Through the Waves,” “The Flower in Prison,” at “Heart Surgeons.” Bumida rin siya sa upcoming film na “Mangnaein,” na huli umano niyang proyekto. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News