Nakiusap si Rufa Mae Quinto ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa napaulat na pagkamatay ng kaniyang asawang si Trevor Magallanes.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Rufa ang malungkot na balita at humiling na bigyan muna sila ng oras na makapagluksa.

“I’m deeply saddened by this development. Hope you give us time to mourn his loss, especially my daughter. Just pray for us that we will get through this by the help of God!” sabi niya.

Samantala, sinabi pa ni Rufa na kumakalap pa sila ng impormasyon tungkol sa pagkamatay umano ni Trevor, at pinakiusapan ang publiko na iwasan ang fake news o mga espekulasyon.
 
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened. So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death. I am flying tomorrow to the US with my daughter so please wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not from any other source,” saad niya.

Sa huli, nagpaabot ng maikli ngunit madamdaming mensahe si Rufa sa kaniyang asawa.

“Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli, Mahal kita Trev.”

 



Ikinasal sina Rufa at Trevor noong 2016. Makaraan ang isang taon, nagkaroon na sila ng isang anak na si Athena.

Inilahad ni Rufa noong Enero na dumadaan sila ni Trevor sa pagsubok, ngunit wala naman siyang planong maghain ng diborsyo.

Noong Mayo, sinabi ni Rufa na kasal pa rin sila ni Trevor ngunit , "Ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko 'yun." -- FRJ GMA Integrated News