Nakitang magkahawak ng kamay habang naglalakad sina Barbie Forteza at Jameson Blake sa GMA Gala 2025 noong Sabado.

Sa Instagram post ni GMA Integrated News reporter Bea Pinlac, ibinahagi niya ang video na makikita sina Barbie at Jameson na magkahawak ng kamay habang naglalakad sa loob ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City kung saan ginanap ang gala.  

Ibinahagi rin ni GMA Integrated News reporter Athena Imperial ang katulad na video na magkahawak ng kamay habang naglalakad ang dalawa.

Kamakailan lang, sinabi ni Barbie na kaibigan at isa sa ka-running buddies niya ang aktor, na makakasama niya sa isang proyekto.

Napapanood ngayon sa mga sinerhan ang horror movie na "P77," na pinagbibidahan ni Barbie.

Bida rin si Barbie sa Kapuso series na "Beauty Empire" kasama sa Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, South Korean actor Choi Bo Min, na mapapanood din sa Viu. — FRJ GMA Integrated News