Inilabas na ang listahan ng mga nominado para sa ika-73 edisyon ng FAMAS, at nakakuha ng 10 nominasyon ang pelikulang "Green Bones," habang apat naman sa “Balota.”
Kabilang sa mga nakuhang nominasyon ng “Green Bones” ang Best Picture, Best Director (Zig Dulay), Best Actor (Dennis Trillo), Best Supporting Actor (Ruru Madrid) at Best Supporting Actress (Alessandra De Rossi).
Ang “Green Bones” ang kalahok ng GMA Pictures sa 2024 Metro Manila Film Festival. Nanalo na ito ng mga parangal kabilang ang Best Picture, Best Actor, at Best Supporting Actor sa MMFF, at Best Cinematography at Best Screenplay sa The EDDYS.
Samantala, nominado naman ang "Balota” para sa Best Picture, Best Actress (Marian Rivera), at Best Supporting Actor (Will Ashley). Nakamit ni Marian sa Cinemalaya 2024 ang kauna-unahan niyang acting award bilang Best Actress, na kabahagi niya si Gabby Padilla.
Magkamit naman ang 2024's blockbuster hit na "Hello Love Again," ng limang nominasyon, kabilang ang Best Actor (Alden Richards) at Best Actress (Kathryn Bernardo).
Gaganapin ang awarding ceremony sa August 22 sa Manila Hotel.
Para sa kompletong listahan ng mga nominado, i-click ito.
— FRJ GMA Integrated News

