Matapos ang 12 taon nang pagiging magkasintahan, ikinasal na ngayong Huwebes sina EA Guzman at Shaira Diaz.
Dinaluhan ng mga kasamahan ni Shaira sa programang “Unang Hirit” ang church wedding nila ni EA sa Cavite.
CONGRATULATIONS, MR. & MRS. GUZMAN! ????
— GMA Integrated News (@gmanews) August 14, 2025
After 12 years together, EA Guzman and Shaira Diaz are now husband and wife.
The longtime couple tied the knot in a church wedding on Thursday, attended by Shaira’s fellow “Unang Hirit” hosts along with her and EA's loved ones. | via… pic.twitter.com/DGbD2Is1hl
Kabilang si Arnold Clavio sa kasal at ninang naman sina Susan Enriquez at Atty. Gaby Concepcion.
Bago nito, may pasilip si Shaira sa kanilang morning show sa kaniyang paghahanda sa kasal at sinabi ni kay EA na, "I can't wait to marry you."
Bagaman nitong 2024 inihayag nina Shaira at EA na engaged na sila, napag-alaman naman na 2021 pa naganap nang alukin ng kasal ng aktor ang aktres.
Hindi kaagad nagpakasal ang dalawa para matupad muna ang iba pa nilang plano sa buhay, kabilang ang pagtatapos ni Shaira ng kolehiyo na nagawa niya noong Agosto 2024.
Inilahad din ng magkasintahan na nagkasundo sila na kailangan muna nilang magpakasal bago nila gawin ang ginagawa ng mag-asawa.
Nitong nakaraang Pebrero nang ipagdiwang nila ang kanilang ika-12 taon bilang magkasintahan. – mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News


