Muling maki-volt in sa pagpapalabas ng movie version ng "Voltes V: Legacy" sa Netflix sa susunod na buwan.

Nakalinya ang "Voltes V: Legacy: The Movie" sa Coming Soon menu ng naturang streaming platform, na may petsang September 19 na release date.

"We're getting ready at the launch conveyors. [Voltes V: Legacy] the enhanced international version streams on Netflix this September 19," saad ng direktor nito na si Mark Reyes sa Instagram post.

Matatandaan na unang ipinalabas ang film version nito na "Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience" noong 2023, bago subaybayan ang TV series version sa GMA Network .

Pareho ring ipinalabas sa Japan ang film at series ng “Voltes V: Legacy.” At nitong nakaraang Hunyo, ang mga taga-Taiwan ang naki-volt in sa naturang pelikula.

Ang "Voltes V: Legacy" ay pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.—FRJ GMA Integrated News