Nagluluksa ang aktres at negosyanteng si Neri Naig sa pagpanaw ng kaniyang ina.

Nitong Lunes, nag-post si Neri ng larawan ng kaniyang ina na namayapa nitong September 15, kasama ang madamdaming mensahe.

"Minsan, ang pagkamatay ng mahal natin sa buhay, somehow reunites families and friends who haven’t seen each other for a long time," saad niya sa caption.

"'Yung mga matagal nang hindi nagkita, at hindi nagkaka-usap, biglang nagkakasama muli," patuloy niya.

Itinuturing ni Neri na isang blessing in disguise ang pangyayari dahil muli silang nagkasama-sama at nagpapaalala kung ano ang mahalaga sa buhay.

"Our mom wasn’t perfect, pero she was our mom... At dahil sa kanyang mga sacrifices, her strength, at pagmamahal na binigay nya sa amin in her own way, kaming mga anak nya ay naging maayos ang mga buhay," sabi pa niya.

"'Yun ang tunay na legacy niya. Thank you, Mommy, for everything. We love you so much," dugtong niya.

Pumanaw ang in ani Neri sa edad na 76.

 

 

FRJ GMA Integrated News