Inilahad ni AZ Martinez na mas tumibay pa ang samahan nila ni Ralph De Leon matapos ang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

“We’re really close. As in kami, we’ve built a special bond na talaga with each other. We value each other talaga kaya, yeah, what you see is what you get,” sabi ni AZ sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial na iniulat sa GMA News Unang Balita.

Bago nito, nagpahapyaw ang kaibigan nilang si Bianca De Vera sa sweetness nina AZ at Ralph.

“I guess what you see is really what you get. They are so real, which, I think is so refreshing to see nowadays. Kasi parang kapag nakakasama ko sila, alam mo ‘yung parang, naka-smile lang talaga ako,” sabi ni Bianca.

Dahil magkakasama sa lock-in taping ng drama-mystery series na “The Secrets of Hotel 88,” mas marami pang natuklasan si AZ kay Ralph.

“He likes to listen to music a lot. He’s always wearing earphones. Sometimes nagsi-share na lang kami. Nakikita ko kung paano siya mag-study ng script, as in he’s really invested,” ani AZ.

Enero nang magbakasyon sa Siargao sina AZ at Ralph kasama ang mga kaibigan from showbiz.

Si AZ ang nagplano ng trip ng naturang trip at isa sa kaniyang niyaya si Ralph.

Sinabi ni AZ na babalik sila ng kaniyang PBB batchmates sa Mindoro para sa huling leg ng shoot ng series.

Ang “The Secrets of Hotel 88” ay isang upcoming GMA Network at ABS-CBN collab project.— Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News