Proud si Sharon Cuneta na isa na rin siyang senior citizen nang makuha na niya ang kaniyang senior citizen ID.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Megastar ang larawan ng kaniyang senior citizen ID na inisyu ng Office of the Senior Citizen Affairs.
“Heto na siya!!!" caption ni Sharon.
“Hahahaha!!! Yahooo!!!! AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank You, Lord!” pagpapatuloy niya.
Biro sa kaniya ng anak niyang si KC Concepcion, “Grabe! Level up na!!!”
Biro naman sa kaniya ni Carmi Martin “Join the club. Tara watch na tayo movies on Mondays."
Komento naman ng ilang netizens, hindi raw mukhang 60 si Sharon, o ‘di kaya’y "aging fabulously" ang Megastar.
Biro naman ng isang fan "Mahal kita maging senior ka man.”
Sa ilalim ng batas sa Pilipinas, may benefits ang mga mamayang edad 60 na pataas gaya ng mga discount sa ilang produkto at serbisyo kapag ipinresenta nila ang kanilang senior citizen ID.
Nitong nakaraang Enero ipinagdiwang ni Sharon ang kaniyang ika-60 kaarawan,
-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

