Ibinahagi ng Sparkle heartthrob na si Vince Maristela ang kaniyang plano sa darating na Valentine’s Day. Sino kaya ang kaniyang makakasama? Alamin.
“First time ko rin itong ma-experience, wala akong ka-date ng Valentine’s,” sabi ni Vince, na guest kasama si Sean Lucas, sa teaser ng upcoming episode ng “Your Honor.”
Sa kabila nito, may isa namang espesyal na tao na paglalaanan si Vince para sa Araw ng mga Puso.
“Itong Valentine’s Day ide-dedicate ko talaga ito sa mom ko,” sabi niya.
Biro naman ni Chariz kay Vince, “Sabi ng nanay, ‘Hay nako panakip butas na naman ako.’”
Sang-ayon naman si Vince sa pahayag ni Chariz tungkol sa stress sa pakikipag-date sa mismong araw ng Valentine’s Day gaya ng kailangan ng early reservation kung pupunta sa restaurant.
Idinagdag din ni Vince ang problema sa mabigat na traffic.
Para kay Vince, hindi raw kailangang paghandaan ang Valentines kung mahal mo talaga ang isang tao dahil araw-araw umano ay Valentine’s Day.
Mapanonood ang bagong episode ng “Your Honor” sa Sabado, Pebrero 14, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto' sa YouLOL YouTube channel. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
