Inilahad ni Derrick Monasterio na mas tumatag at lumalim pa ang relasyon nila ni Elle Villanueva, at mas naging mature siya dahil sa kaniyang nobya.

Sa video ng Kapuso Showbiz News, kinumusta si Derrick tungkol sa relasyon nila ng kapwa niya Sparkle star na si Elle.

“Hindi kami magbe-break niyan kahit ano mangyari. ‘Pag nag-break kami niyan, ewan ko na lang, guguho na 'yung mundo ko,” sabi ni Derrick.

“As time passes by, 'yung relationship namin parang nagiging more mature. Mas marami na kaming natatanggap na mga bagay na hindi namin matanggap dati sa isa't isa,” pagpapatuloy niya.

Marami raw naging adjustment si Derrick, at natutunan niya kay Elle na hindi madali ang pumasok sa isang relasyon.

“Kasi dati, nu'ng bagets-bagets ako, nu'ng bata ako, akala ko ang relasyon is just for companionship, puro fun, puro whatever. Pero ngayon, mas may utak na ako, naisip ko na it's a teamwork talaga. Mas masarap na gano'n. Alam mong meron kang kasama,” paliwanag niya.

Sabi pa ni Derrick, “Hirap naman din talaga humanap ng perfect partner for you. So, ‘pag nakuha mo na yun, 'yun na ‘yun. Wag mo na pakawalan.”

Muling magkakasama sina Derrick at Elle sa upcoming Kapuso series na “Apoy sa Dugo,” kasama si Ashley Ortega.

Bago nito, nagkasama na sina Derrick at Elle sa “Return to Paradise” at “Makiling.”

“Gamay na gamay na talaga namin isa't isa. Kaya nga mga lagi kong sinasabi, masaya ako na laging siya 'yung kasama ko. Kasi, sa totoo lang, mas naging vulnerable ako ‘pag nakikita ko siya. Hindi ko alam bakit. Parang mas madaling umarte ‘pag siya 'yung kaharap,” sabi ni Derrick tuwing katrabaho si Elle.

“Siguro kasi may mga nababasa akong mga something sa mata niya tapos 'yung nag-translate. So, lahat ng breakthrough performances ko masasabi kong kasama ko siya lagi,” dagdag niya.—FRJ GMA Integrated News