Pumanaw na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan sa edad 83, ayon sa kaniyang pamilya.
Sa isang madamdaming Facebook post, inilahad ng kaniyang anak na si Carlo Labalan na nakipaglaban si Vangie sa karamdaman noong Pebrero 12.
“To everyone who know her, love her, and was touched by her kindness, we extend our deepest gratitude. She is deeply loved and will be dearly missed by her family, friends, and all whose lives she touched,” sabi ni Carlo.
“She will be coming home soon. Further details regarding her wake and funeral services will be shared in the coming days,” dagdag ni Carlo.
Nagpost din ang anak ni Vangie na si Van-van Aligam ng madamdaming tribute, at sinabing hindi na nagdusa pa ang kaniyang ina sa mga huling sandali nito at nanatiling masaya hanggang sa huli.
“I’m glad you passed peacefully, surrounded by family… We love you Ma. Rest easy,” sabi niya.
Sa isa pang tribute, pinasalamatan ni Van ang ina sa paghubog nito hindi lamang sa kaniya kundi pati na rin ng kanilang pamilya.
Ayon pa kay Van, nakuha niya ang pagkahilig sa pagpe-perform mula sa kaniyang ina, at masayang inihayag na nananalaytay sa dugo ang pagkahilig sa sining.
Inalala rin ni Van na ang kanilang ina ang nagsilbi nilang sandigan sa Maynila at nagbigay daan para magkaroon ng oportunidad ang kanilang pamilya sa abroad.
“We miss you already. We love you,” sabi niya.
Isinilang si Vangie bilang si Ma. Christina Bonghanoy Labalan noong Enero 20, 1943.
Kabilang sa kaniyang mga proyekto ang “Pi7ong Tagpo,” “Conan My Beautician,” at marami pang iba.
—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News

