Ibinahagi ng Kapuso stars ang pagdiriwang nila ng Araw ng mga Puso.
Sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, itinampok ang date by the beach nina Sofia Pablo at kaniyang onscreen partner na si Allen Ansay.
Inihayag ni Sofia na isang Valentine's date ang unang pumasok sa isip niya matapos malaman ang tungkol sa kaniyang nominasyon sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0."
“Noong narinig kong nominated kami, ang pumasok sa isip ko ay sa labas ako mag Valentines. As in pumasok talaga ‘yan sa isip ko kasi alam kong ako, like shocks mag-Valentines ako sa labas, hindi ako bitter sa loob,” sabi niya.
Hindi naman maitago ni Shaira Diaz ang kaniyang tuwa nitong Valentine’s Day matapos siyang sorpresahin ng kaniyang asawang si EA Guzman ng isang tiket para sa concert ng BTS sa Las Vegas.
Double celebration naman ang mga bagong kasal na sina Carla Abellana at Dr. Reginald Santos, dahil kaarawan din ni Reginald ang Valentine’s Day.
Nakatanggap naman si Gabbi Garcia ng isang malaking bouquet ng mga sunflower mula sa matagal na niyang kasintahang si Khalil Ramos.
Para naman kay Kapuso hunk Anthony Constantino, ang Araw ng mga Puso ay hindi tungkol sa mga bonggang kilos kundi sa maliliit at makabuluhang mga sandali kasama si Shuvee Etrata na tunay niyang inaabangan.
“There’s obviously grand gestures that you can do for somebody. I really believe that it’s gonna be all in the small things, all in the details and just really paying attention to the details and to what she really really likes. Have some surprises for her,” ani Anthony. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
