Nagbalik na nitong Linggo para sa panibagong season ang mas pinabonggang "Stars on the Floor."
Ipinakilala na rin ang mga celebrity dance star na makakasama ng mga P-Pop dance star upang mapatalbugan sa paghataw sa sayaw.
Sa opening ng show, ipinakita si Jao mula sa Alamat at ang SexBomb Girl na si Sugar Mercado.
Sumunod naman si Jeromy ng HORI7ON, at ang international idol na si Chanty mula sa Lapillus.
Nandoon din si Denise mula sa Calista at ang aktor na si Paul Salas, na anak ni UMD member na si Jim Salas.
Nagpakitang-gilas din sa pagsayaw sina Joker at Sophia ng 1ST.One, kasama ang aktor na si Rocco Nacino.
Makikilala naman ang ikalima at final celebrity dance star sa susunod na linggo, at doon din malalam kung sino ang mga magkakapareha.
Mapapanood ang "Stars on the Floor" Season 2 tuwing Linggo sa ganap na 7:15 p.m. sa GMA Network.
Host pa rin ng programa si Alden Richards, magsisilbing hurado sina Marian Rivera, Rayver Cruz, at Jay Roncesvalles. —Nika Roque/FRJ GMA Integrated News
