Nakiisa ang ilang Kapuso stars sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing itinampok ni Tim Yap ang pagdiriwang niya ng Chinese New Year kasama ang ilang kaibigan.
Hindi rin pinalampas ni Tim ang makapag-video katabi ng isang golden horse na sumisimbolo ng pagsalubong sa Year of the Fire Horse.
Umawra naman si Janeena Chan suot ang kaniyang black outfit bilang salubong sa Chinese New Year.
Dumalo rin sa Chinese New Year celebration sa Maynila si Mr. Chinatown Philippines 2025 Tyrone Tan, at nagdiwang din si Skye Chua.
Bumati rin ng Happy Chinese New Year si Heart Evangelista, na nagdiwang din kamakailan ng kaniyang kaarawan.
Nag-workout muna si “House of Lies" star Kris Bernal bago ang salubong dahil mapapakain umano siya. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
