Sa angkin niyang kaguwapuhan, posible kayang nakaranas ng kabiguan sa nililigawan o ma-basted ang isang Miguel Tanfelix? Alamin
“Panigurado may mga times na na-basted na ako, lalo na nu’ng mga bata pa. Pero hindi ko na masyadong maalala,” sabi ni Miguel sa kaniyang nakaraang guesting sa isang episode ng “Your Honor.”
Ayon pa kay Miguel, mas pinipili niya ang mga long-term relationship kapag nanligaw.
“Hindi ako yung katulad ng ibang mga lalaki na, parang ligaw nang ligaw nang ligaw,” sabi ng aktor na nobyo ni Ysabel Ortega.
Dagdag ng Kapuso actor, isa-isa lang o hindi siya nagsasabay-sabay ng nililigawan.
Hindi rin daw nanliligaw kaagad si Miguel kapag na-basted at hinahayaan na muna ang sarili na mag-heal.
Sasabak si Miguel sa kaniyang unang solo hosting stint para sa upcoming travel show na “Planet XP,” na mapanonood mula Mayo 2, tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA. – Jamil Santos/FRJ GMA News
