May tugon si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski sa mga kumukuwestiyon sa pagiging Pilipino niya.
“I don't want to listen to the bashers because what's most important is the work that has to be done. And the work that has to be done is making sure I deliver on the promises I've made,” sabi ni Bea nang makapanayam ni Aubrey Carampel sa isang brand event, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes.
“For me, Miss Universe Philippines carries a huge responsibility,” dagdag ni Bea.
Kasama ni Bea ang iba pang beauty queens sa naturang event.
Ayon pa kay Bea, nakatuon siya sa pagsusulong ng kaniyang adbokasiya para sa mga OFW, environment at LGBTQIA plus community, pati na rin ang pagsasanay at preparasyon sa Miss Universe 2026 sa Puerto Rico.
Determinado si Bea na maiuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas mula sa naturang pageant. – Jamil Santos/FRJ GMA News
