Ikinuwento ni Divine Tetay na wagas siyang magmahal noon. Umabot nga ba siya sa sitwasyon na nagreregalo ng sasakyan sa kaniyang minamahal? Alamin.

Sa nakaraan niyang guesting sa online show na “Your Honor!.” Ikinuwento ni Divine Tetay ang isa sa mga lubos niyang ginawa para sa pag-ibig-- ang magregalo ng sasakyan.

“Siguro may isa sa mga minahal ko na nagkaroon ng sasakyan,” paglalahad ni Tetay pero hindi na niya binanggit ang brand ng sasakyan na gawang Japanese umano.

“‘Di ba ‘pag minsan ‘yung gano'n just to make him happy? Whatever. Kasi that was like before pa,” sabi niya.

Ngunit ngayon, natuto na raw si Tetay.

“So babe if you're watching, hmp. Hindi na ngayon, ‘no?,” saad niya.

Dagdag niya, binabalanse na niya ngayon ang paggamit ng kaniyang puso at isipan.

“Dati kasi, puso eh. Which is sobrang… Binigay ko sa kaniya. Wala ‘to (puso) ngayon ah,” aniya. “Kasi before, ano ako, oh my God, I believe in forever and it has to be beautiful and all. (Fairytale), that kind of love. ‘Yung parang kahit minsan it's painful already, alam mo ‘yun. ‘Yung you can't take it anymore. Pero sige, go fight lang.”

Kalaunan, natuto na raw siya na dapat may hangganan ang ibang klase ng relasyon.

“But until, you know, you'll reach a point na this is too much, no more na. Meron ganu’n eh. So sa mga pinagdaanan ko, baka you know, same din. Hintayin nyo lang ‘yung darating kayo sa ganu’n punto. Tapos wala, inom lang kayo ng beer, okay na kayo,” patuloy niya.

Sa kabila nito, hindi naman siya nagsisisi na nagbigay siya ng pagmamahal.

“It was, lahat, I gave everything. ‘Yung parang ganu’n na... I don't wanna say na nasayang naman ‘yun. I mean, it's not all bad,” ani Tetay.—FRJ GMA News