Dalawa ang kumpirmadong patay sa sunog na sumiklab sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, ayon sa Quezon City Fire District (QCFD).

Natagpuan ang labi ng lalaki at kanyang kinakasama sa comfort room ng inuupahang bahay.

Nagsimula ang sunog bago mag-5 p.m. kahapon. Iniakyat ito sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula bandang 10:50 p.m.

Natupok ang 120 bahay at aabot sa 200 pamilya ang apektado. — BAP GMA News