Dahil sa hindi malawak ang kanilang kapatagan para pagtaniman ng mga gulay at palay, natuto ang mga Ilokano na magtanim sa kani-kanilang mga bakuran.

Sinabing mga matitipid daw ang mga Ilokano, kaya kung anong mga gulay ang nasa kanilang bakuran, pwede na nilang lutuin. Kaya naman isinilang ang Pinakbet Ilocos.

Nagmula sa salitang Ilocano na "pinakebet" na ang ibig sabihin ay "to shrink," sangkap sa Pinakbet Ilocos ang talong, okra, ampalaya, siling duwag, at kamote.

Iba sa pangkaraniwang paghalo ng mga gulay gamit ang sandok, tradisyon ng mga Ilokano na i-"toss" lang ang mga gulay sa kawali para mapanatili ang lasa ng bawat gulay.

Sa "Pinas Sarap" episode nitong Huwebes, may nadiskubre si Kara David tungkol sa natikman niyang Pinakbet Ilocos. Panoorin ang video. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News