Inanunsyo ng fitness instructor at dance diva na si Regine Tolentino na matatapos na ang proseso ng kaniyang annulment sa asawa na si Lander Vera-Perez nitong Hunyo, dalawang taon matapos ihayag ang kanilang hiwalayan.
"My annulment is going to be finished on June 3," sabi ni Regine sa press conference ng kaniyang dance concert na "Ignite" na gaganapin sa Mayo 26, 2018 sa Sky Dome, SM North EDSA.
"I promised my children that I will start with all of that (dating) eventually kapag legitimately annulled na kami para at least walang masabi lahat ng tao."
Nang tanungin tungkol sa status niya ngayon, "I'm single... and I'm ready to work. Ha ha," pabiro niyang sabi.
"I am loving life. I must say that I'm so busy, parang hindi ko naiisip agad because kaya ako tumaba, I think is because kakaisip ko na wala akong love life... And I think mentally my heart is not ready yet pero I think now okay na as soon as all of the papers are done."
Hindi umano sinustentuhan ng asawa
Ikinuwento rin ni Regine na apat na taon na silang hindi nagkikita at walang komunikasyon kay Lander.
Labing walong taon din silang nagsama ni Lander bago i-anunsyo ang kanilang paghihiwalay.
"We've never spoken, I've never seen him. Hindi pa kami nagkita. Four years, we haven't seen each other."
Ayon pa sa actress-host, hindi gumawa ng paraan ang kaniyang mister para makita ang mga bata. "Nope, not at all. No, hindi niya nakakausap, pero I think he texted like four times in the last four years."
Si Regine ngayon ang sumusuporta "100%" sa kaniyang mga anak na sina Reigne at Reigen Perez at nang tanungin kung sumusustento pa ang kaniyang asawa, "Absolutely nothing. Not even one cent."
Sinagot din ni Regine kung may natagpuan na bang iba ang kaniyang mister:
"I have no idea and we don't care. He does not exist sa amin anymore as a closed chapter. Like he's just erased from our lives. I think it's what makes us stronger and mas solid as a family. Masaya kami, kaming tatlo lang. And to think how my botique is like about 50 walking steps to the ano.. I'm sure they pass by my office everyday, but I don't know."
Kinumpirma ni Regine na isa ang "third" party sa mga naging problema nila, at nahuli niya rin ito.
Hindi naging madali para sa Dance Diva ang naging pagsubok sa kaniya, pero ikinuwento niya kung paano sila naka-recover ng kanilang mga anak.
"Parang feeling ano, namatayan ka kumabaga. I was in mourning for the longest time and then, I've recovered. We took a family trip together, kaming tatlo lang to Europe. And then after that we were recharged and I was like renewed. So wala, okay lang kami."
Muling bukas ang puso sa pag-ibig
Sinabi ni Regine na bukas na siyang muli sa love life, ngunit hindi niya naman ito minamadali.
"Oh my gosh, open na talaga! Meron ba kayong ma-a-ano? Ha Ha... But in terms of romantic feels, siyempre lahat ng tao parang gusto may ka-holding hands, gustong may kayakap, gustong mag-post ng mga selfies with the jowa and things like that. I get jealous, I have to admit, and even my kids, may mga nanliligaw na sa kanila."
"And I'm like, 'When is my prince charming coming?' But since I've been busy hindi ko masyadong napapansin. I can't help but long for that because I want to start over again and I want to find the right person and perhaps get married because I'm still old-fashioned," pagpapatuloy ng actress-host.
Pangarap pa ni Regine na ikasal balang araw.
"Actually naniniwala pa ako sa kasal. Call me old-fashioned but somehow, I'm longing for that. But if it's not in the stars for me, okay lang naman din, masaya naman din ako. My children are there."
Inihayag ni Regine ang hanap niya sa isang lalaki.
"Ang hanap ko ngayon, parang si JLo. 'yung boyfriend niya ngayon is [Alex]. Si Alex, established businessman, very confident and fit, maybe something like that... Someone who has his own career, someone who has his own thing going on."
"I'm not closing my doors, but at the same time hindi rin naman ako masyadong choosy." — BAP, GMA News
