Mula sa totoy na walang confidence sa sarili at dumaan pa sa awkward stage, isa na ngayong certified Kapuso hunk si Ruru Madrid. Balikan kung paano niya na-achieve ang kaniyang charming look at magandang katawan sa kaniyang transformation.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, inilahad ni Ruru na 14-anyos siya nang sumali sa Protégé.

"Actually at first I didn't expect na makapapasok ako sa Protégé dahil din siguro wala eh, sobrang bata ko pa and hindi pa ako confident sa sarili ko," saad ni Ruru.

Masasabi ni Ruru na nagkaroon siya ng mga major improvement nang gumanap siya bilang si Ybarro/Rama Ybrahim sa Encantadia noong 2016.

ADVERTISEMENT

"Better. Better me. Masasabi ko na diyan kasi, hindi lang sa katawan, hindi lang physically ako nagbago kundi kung paano rin ako mag-isip, kung paano ako magsalita, kung paano ko i-handle ang mga bagay."

Inilahad naman ni Ruru na naging mas mature na siyang tao ngayong 21 na siya.

"Ruru 2.0. This time of course, I'm 21 and I think this is the stage na, hindi na ako bata eh, I maybe young sa age pero marami na rin akong responsibilities sa buhay. Hindi lang ako magta-transform sa physically kundi kailangan ko pang mag-transform, mas maging mature na tao, sa mga roles din na ginagampanan ko, kailangan kong mas maipakita sa kanila 'yon na I am an actor, I am not just kung sino lang na celebrity diyan na, kumbaga papogi lang."

Hangad ngayon ni Ruru na marami pa siyang matutunan

"I don't wanna stop learning. Feeling ko ayun ang makakatulong sa akin eh. I mean, being an actor, kailangan hindi ako tumigil matuto kasi kumbaga sa giyera, ayan 'yung baril ko, ayan 'yung shield ko sa sarili ko."

Dati nang inilahad ni Ruru na nanggaling siya sa pamilya ng mga musikero. Kaya naman marami pa siyang handang ipakita, lalo ang talento niya sa pagkanta.

"Sobrang mahal ko rin is music. Nag-release rin ako ng single, so siguro doon ko lang ma-e-express 'yung ibang side naman ng Ruru," anang aktor.

Bibida si Ruru sa pelikulang "Unforgetful You" kung saan makatatambal niya si Jasmine Curtis-Smith. —Jamil Santos/LBG, GMA News