Umere na ang pinakabagong Kapuso variety show na "All-Out Sundays" na naghatid ng all-out performances at katatawanan nitong Linggo.

Nasaksihan ng mga manonood ang mala-musical theater sa comedy segment at ang iba't ibang pagsayaw at pagkanta ng mga Kapuso stars.

 

ADVERTISEMENT

 

Ang cast ay binubuo nina Glaiza de Castro, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Paolo Contis, Betong Sumaya, Kakain Bautista, Boobay at Tekla, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Alden Richards, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

 

 

Ayon sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" noong Biyernes, nakailang beses na nag-rehearse ang mga stars para sa kanilang mga performances.

Ang "All-Out Sundays" ay matutunghayan tuwing Linggo, alas dose ng tanghali. — Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News