Daring and sexy, confident si Liezel Lopez na i-display ang kaniyang beach-ready body sa kaniyang mga social media post. Pero pag-amin ng Kapuso star, dating siyang mataba at umabot sa 30 ang kaniyang waistline.

Sa #RealTalk ng GMA News and Public Affairs, inihayag ni Liezel na noong bata siya ay idolong-idolo niya si Britney Spears dahil sa maganda nitong pangangatawan at mahusay na performer.

"Simula bata ako, 'yung pinakamaaga kong naalala na sinabi ko before, 'di ba sikat na sikat si Britney Spears? Tinititigan ko 'yung album niya and then sabi ko, 'Oh my god gusto ko paglaki ko, magiging kagaya ko siya. Kung hindi magpaparetoke ako kagaya niya," sabi ng 22-anyos "Bubble Gang" babe, ang babaeng na-starstruck si "Wowowin" host Willie Revillame.



"Ganoon kagusto ko maging celebrity," patuloy niya sa "Girls of Summer" feature ng GMA News Online.

ADVERTISEMENT

Pero dati, sinabi ni Liezel na tumaba siya kaya hinamon niya ang sarili na magpapayat.

"Araw-araw tina-try ko talagang mag-improve ‘yong sarili ko kasi before, tumaba talaga ako like ‘yong waist ko naging 30. After noon, sabi ko sa sarili ko, kailangan pumayat ako. Kailangan ma-achieve ko ‘yong body goal ko na alam kong magiging confident ako sa ginagawa ko," kuwento niya.

Ang kaniya raw ginawa para magbawas ng timbang, "I cut rice out of my diet so less carbs na ako hangga’t maaari. Puro white meat lang kinakain ko and hindi na ako nagso-softdrinks, more on fruit shakes na lang. Of course, exercise din. I do cardio and ‘di na ako masyado nagbubuhat."

Ngayon, sinabi ni Liezel na confident siya sa kaniyang katawan, kaya naman handang handa siyang mag-post ng bikini photos sa kaniyang social media accounts.

"Yes, of course! It makes me feel not only confident but parang empowering din siya as a woman and I feel sexy. Okay siya pang-embrace ng iyong kasexyhan and pang-boost siya ng confidence," tugon ni Liezel

Samantala, goal naman daw ni Liezel ngayong 2020 na maging a better person at mabigyan ng panahon ang sarili.

"Gusto ko maging settled na this year because I was working para sa family ko and nakabili na ako ng bahay nila so gusto ko this year, ako naman. It's for myself," saad niya.

--FRJ, GMA News