Ipinakita na nina Max Collins at Pancho Magno ang kanilang bagong silang na panganay na si Baby Skye Anakin.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Pancho ng video kung saan kitang kita ang tuwa nila ni Max nang masulyapan na nila si Baby Skye.

"The force is strong with this one. To our Son, Skye Anakin, you are one of the reasons why i believe in God. Can’t wait to be your bestfriend," sabi ni Pancho.

 

 

Pinasalamatan din ni Pancho ang kaniyang asawa dahil sa pagiging matatag nito.

"To my amazing wife, you are also one of the reasons why i believe in God, ?? you did everything with no medications and no tear. There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother," anang Kapuso actor.

Masaya rin na ibinahagi ni Max sa publiko ang kanilang panganay na anak.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good morning my Skye ????

A post shared by Max Collins ???????????????? (@maxcollinsofficial) on

 

Matatandaang pinili na lang ni Max na sa bahay na lang manganak sa pamamagitan ng water birth dahil sa pangamba niya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Naging kaagapay ni Max sa panganganak si Pancho, na isang registered nurse. — LA, GMA News