Patay sa pamamaril ng kanyang kapitbahay ang isang lalaki sa Madridejos, Cebu dahil umano sa personal na alitan.

Iniulat ng "Unang Baltila" nitong Miyerkules na isang ahente umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek.

ADVERTISEMENT

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, may-alitan ang dalawa dahil kumampi umano noon ang biktima sa mga nakaaway ng suspek sa alitan sa lupang kanyang tinitirhan.

Walang pang pahayag ang suspek, at hindi pa rin kumpirmado kung taga-PDEA nga ba talaga ang salarin. —LBG, GMA News