Patay ang dalawang magkapatid sa Cagayan de Oro City matapos pagsasaksakin ng kanilang kainuman.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao sa Unang Balita, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Carmen ng lungsod.

Isinugod ng mga kapitbahay ang magkapatid sa hospital pero hindi na sila umabot na buhay, ayon sa ulat.

ADVERTISEMENT

Kinalala ang mga biktimang magkapatid na sina Barry at John Abesia. Kinilala naman ng mga pulis ang suspek na si Bert Abaco, Jr.

 

Ayon sa pulisya, nagtalo ang mga biktima at ang suspek habang nag-iinuman. Humantong ang pagtatalo sa pananaksak.

Hawak na ng mga pulis ang suspek. Pahayag niya, self-defense ang nangyari.

Mahaharap siya sa reklamong multiple murder. —LBG, GMA News