Inihayag ni Benjamin Alves ang kaniyang pasasalamat sa girlfriend na si Chelsea Robato sa pag-unawa at pagsuporta sa tuwing busy siya sa kaniyang showbiz commitments.

"Chelsea kasi is very understanding sa trabaho. Super supportive siya. Naiintindihan niya lalo na itong during the pandemic na nagla-lock in taping na matagal kaming nawawala sa isa't isa," sabi ni Benjamin sa At Home with GMA Regional TV.

"She's very understanding, very supportive," dagdag ni Benjamin.

ADVERTISEMENT

Tinitiyak naman ni Benjamin na bumabawi siya sa kaniyang nobya matapos ang kaniyang trabaho.

"Pagkatapos ng soap, pagkatapos ng taping babawi ka talaga to really make sure that I let her know na I appreciate her understanding, and also taking care of everything ng aso namin na si Nala," anang aktor.

Mas magaan para kay Benjamin na may inspirasyon sa trabaho.

"Mas inspired. Mas madali. Mas masaya."

Lumipad sina Benjamin at Chelsea sa Singapore noong nakaraang buwan para sa kanilang bonding at get-together.

"It was nicer this time kasi kilala na namin ang isa't isa," sabi ni Benjamin.
Pagdating sa proyekto, sinabi ni Benjamin na wala siyang hinahanap na dream role pero mas gusto niya na ginagawa ang shooting o taping sa labas--FRJ, GMA News