Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration na mangangailangan ng 1,000 Pinoy skilled workers ang Czech Republic sa Europe kaya binubuo na ang kasunduan para dito.
Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabi Bernard Olalia, Administrator ng POEA, na inihahanda na ang kasunduan ng Pilipinas at Czech Republic para masimulan na ang pag-apply ng mga interesado sa mga accredited recruitment agency sa bansa.
Wala pa umanong job orders para sa naturang mga trabaho kaya antayin na lang umano ang anunsyo sa website ng ahensiya.
Pinapayuhan din ang mga interesado na mag-apply na kumuha ng skills training sa TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.-- FRJ, GMA News
