Muli na namang inaresto ang isang 20-anyos na Filipino-American matapos siyang umakyat na naman sa isang mataas ng gusali sa New York.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Linggo, kinilala ang Fil-Am na si Justin Casquejo, na umakyat sa tuktok ng construction crane sa isang condominium building sa West Side Manhattan.

Bago nito, naaresto na rin si Casquejo noong 2017 dahil sa pag-akyat niya sa Paramount Tower sa East 39th Street sa New York din.

Kinasuhan si Casquejo ng reckless endangerment at criminal trespass.

Binalaan si Casquejo ng mga pulis na maaari na siyang makulong kapag ginawang muli ang pag-akyat sa tuktok ng mga gusali.

Noong 2014, nag-viral si Casquejo nang akyatin niya ang tuktok ng World Trade Center. — FRJ, GMA News