Wagi ang isang Pinoy sa prestihiyosong 2019 EyeEm Awards sa photojournalist category sa Germany.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali Weekend" nitong Sabado, sinabing panalo ang tubong Lucban, Quezon na si Marlon Villaverde sa kaniyang entry na "Mahal na Senyor."

Pinakikita sa kaniyang litrato ang nagsisiksikang mga deboto habang pasan-pasan ang patay na HesuKristo noong nakaraang Biyernes Santo.

 

'Mahal na Senyor' by Marlon Villaverde
'Mahal na Senyor' by Marlon Villaverde

Mahilig na sa photography si Marlon kahit highschool pa lamang daw. Naalala pa niya noon na wala pa siyang sariling camera kaya nanghihiram na lang siya ng camera sa guro.

Inaalay ni Marlon ang kaniyang tagumpay sa mga kaanak, kaibigan at kababayan sa Lucban. — Jamil Santos/MDM, GMA News