Nagbukas na ang isang Pinoy street food stall sa isang open market sa Brighton, United Kingdom. Maging ang mga Briton, nahuhumaling sa ilang sikat nating pagkain.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes,  makikita ang ilang Briton na bumibili sa naturang Pinoy street food stall.

ADVERTISEMENT

Kabilang daw sa binabalik-balikang na pagkain doon ng mga namimili ang sikat nating "tapsilog" at "adob-silog," o ang adobo na may kasamang sinangag at itlog.

Sa Dubai naman, record breaking daw ang dami ang mga Pinoy na nagpa-assess at pumasa sa kanilang technical education and skills na ginawa sa tulong ng TESDA.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Dubai, mula noong November 29 hanggang December 3,  nasa 553 OFWs ang nakapasa sa kanilang on site assessment.

Pinakamalaki raw ito sa history ng assessment record ng kanilang opisina.

Nangangahulugan umano ito na mas maraming OFW ang interesado na iangat ang antas ng kanilang kakayahan sa edukasyon at mga trabahong teknikal gaya ng caregiving, electrical installation of maintenance, massage theraphy, photography at trainers methodology.-- FRJ, GMA News