Lima na ang Filipino sa Hong Kong na kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, "asymptomatic' o walang sintomas ng sakit ang OFW pero nagpositibo pa rin siya sa virus.

Dinala ang pasyente sa isang quarantine facility sa Hong Kong para masubaybayan ang kaniyang kalusugan.

 

 

Una rito, naglabas ng pahayag ang DFA nitong Martes ng umaga para kumpirmahin ang ika-apat na kaso ng Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Sa limang kaso, isa ang gumaling na at nakalabas na ng ospital.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang susubaybayan ang kalagayan ng mga Pinoy hanggang sa kanilang tuluyang paggaling.--FRJ, GMA News