Isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia ang humihingi ng tulong matapos sa labas na ng bahay siya patulugin ng kaniyang amo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kuwento ng Kaie Pagcaliwangan, carpet lang ang sapin niya sa buhangin kung saan siya natutulog kasama ang ilang katrabaho mula sa ibang lahi.

Nagugutom din daw sila dahil naghihintay lang sila ng pagkain na ibibigay ng kanilang amo.

Nakikipag-ugnayan na sa Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh ang isang grupo ng OFW para matulungan si Pagcaliwangan. --Jamil Santos/KBK, GMA News