Nag-reunion online ang mga magpipinsang sina Sheryl, Sunshine, Donna at Geneva Cruz nang mag-jamming at i-cover nila ang "Breathless" ng The Corrs.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras," sinabing kinagiliwan ng marami nang muling ipamalas ng Cruz cousins ang galing nila sa pagkanta.

Kumpleto sa kumpletong sesyonista, sinamahan din nila ito ng voicing.

Kaniya-kaniya naman ng post ng kanilang The Corrs cover sina Sunshine, Donna, Geneva at Sheryl sa kanilang mga social media, at nakakuha naman ito ng daan-daang libong likes.

 

 

Libo-libo rin ang nag-comment na nagsabing miss na nila ang Cruz cousins.

Bago nito, nauna nang nag-post sina Sunshine, Geneva at Donna ng kanilang "You're In Love."

Bukod sa mga magpipinsang Cruz, nag-online reunion din ang original Sexbomb dancers, TGIS barkada, That's Entertainment stars, at Triplets.--Jamil Santos/FRJ, GMA News